TOP 5 MWP REGIONAL LEVEL, ARETSADO NG MEYCAUAYAN PNP
TOP 5 MWP REGIONAL LEVEL, ARETSADO NG MEYCAUAYAN PNP
Camp General Alejo S. Santos, City of Malolos, Bulacan — Top 5 Most Wanted Person (Regional Level) ang naaresto ng Meycauayan City Police Station matapos ang isang mabilis at matagumpay na operasyon ngayong December 1, 2025.
Ayon sa ulat ni PLTCOL MELVIN M FLORIDA JR, Hepe ng Meycauayan CPS, nasakote ng pinagsanib na pwersa ng Meycauayan CPS at PIT Bulacan East (RIU3) ang akusadong si Alyas Badjay, 26 taong gulang, residente ng Brgy. Saluysoy, Meycauayan City. Ang pag-aresto ay naisagawa dakong 2:15 PM sa Brgy. Saluysoy, Meycauayan City.
Ang nasabing akusado ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa Statutory Rape, sa ilalim ng Criminal Case Number 6670-M-2025, na inisyu ni Hon. Olivia V. Escubio-Samar, Presiding Judge ng RTC Branch 79, Malolos City, na walang piyansang inirekomenda.
Ang akusado ay ipinaalam ang kanyang karapatan alinsunod sa Saligang Batas sa wikang kanyang nauunawaan. Kasunod nito, siya ay dinala sa Bocaue MPS, para sa maayos na dokumentasyon at disposisyon bago isauli ang kopya ng warrant of arrest sa korte ng pinagmulan.
Sa ilalim ng pamumuno ni PCOL ANGEL L GARCILLANO, patuloy ang Bulacan PPO sa pagpapatupad ng batas at pagtitiyak na maihahatid ang hustisya. Ang matagumpay na manhunt operations at pagdakip sa mga wanted person ay patunay ng masigasig na kampanya ng kapulisan laban sa krimen sa buong lalawigan ng Bulacan. (PIO, Bulacan PPO)
SNATCHER, TIMBOG SA SAN MIGUEL; SUSPEK HAHARAP SA TATLONG KASO
Maricris Mapalad - 2026-07-24
DPWH Naglatag ng Solusyon sa Baha; Nasirang Dike sa Paombong, Agarang Gagawin
Dax Mapalad - 2026-08-23
WalterMart San Rafael, Pormal nang Nagbukas; Hatid ang Mas Malawak na Pamimili at Suporta sa mga Lokal na Magsasaka
Maricris Mapalad - 2026-07-26
MARICRIS MAPALAD