Local News

Pagpapataw ng Persona non grata sa bumababoy sa kasaysayan ng Bulacan



MARICRIS MAPALAD 2025-09-15
CONNECTED WITH US

abc

Sa sesyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan ngayong ika-15 ng Septyembre ay tinatalakay ng lupon ang pagdedeklara bilang persona non grata sa isang media men na si Orlan Mauricio ng Metro News na kilala bilang isa sa mga bumabatikos sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan.

Pinangunahan ni Vice Governor Alex C. Castro kasama ang mga Board Member ng Lalawigan mula sa iba't ibang distrito ang pagpupulong. Sa pulong ay tinalakay kung bakit ituturing bilang persona non grata si Mauricio.

Sa naging imbestigasyon ng Sanggunian ay winarak umano ni Mauricio ang Mother of All Fiesta sa Lalawigan ng Bulacan na kilala bilang Singkaban Festival na sa isang facebook post umano ay pinalitan ito ni Mauricio at ginawang Sikwatan Festival pati ang Dangal ng Lipi ay pinalitan at ginawang Hangal ng Lipi.

Sa manifestation ni Bulacan Governor Daniel R. Fernando, sinabi niya na nasaktan sya sa ginawang pangbabastos sa Singkaban Festival na kilala bilang Fiesta sa Lalawigan Bulacan.

Sinabi ni Fernando na ito umano ay hindi gawain ng matino ang pagiisip, nilinaw din ni Fernando na si Ginoong Mauricio ay nasa matinong pag iisip at binigyan pa ng sertipikasyon ng KBP o Kapisanan ng Broadcaster ng Pilipinas.

Aniya ni Fernando "Sana ay naramdaman natin kung pano tayo inunsulto ng taong ito". Bukod dito ay inirekomenda ni Fernando na sana ay matanggalan sya (Orland Mauricio) ng sertipiko o lisensya bilang isang mamamahayag.